09-10-92
Ikaw ang dahilan, ng mga ngiting may buhay,
at sana'y lagi kang nandyan upang magbigay kulay
Ang ibig ko'y itong samahan ay lalong tumibay,
upang sa kaligayahan ko'y walang makapantay
Kung alam mo lang ang nabibigay na kaligayahan,
ng mga walang pakundangan mong kakulitan
Kapag ako'y nakakaramdam ng kaunting kabiguan,
isipin lang kita, ay nakukuha ko pa itong tawanan
Buti na lang sa buhay ko, ikaw ay naligaw
Dahil sa iyo kaligayahan ay umaapaw,
Sadyang sa puso ko mayron kang malaking saklaw,
salamat at ang naging kaibigan ko'y IKAW!!!